Naaalala ko pa noon, nung una tayong magkita, akala ko pa nga hindi kita makakasundo at makakasama. Pero di naglaon may roon akong nakita sa mga kilos mo’t sa mga salita. Biglang nag iba ang lahat, ang pananaw ko’t damdamin patungo sa iyo, ang akala kong malabo kong makasama ay tila biglang napamahal na. Mahabang Panahon din tayong nag sama, yung tipong nahubog na sa bawat luha’t pag asa. Marami man tayong pinag daanan, may isang bagay na di natin matatalikuran. Hindi man natin nababanggit, hindi man masabi ng ating mga labi, sapat na ang kilos para sabihing “ikaw lamang para sa akin”. Ilang panahon ding madalas tayong mag away, tila ba sinusubok ng panahon ang katatagan ng ating murang pag ibig, ngunit nanatili tayong nakatayo at matatag laban sa ilang pamatid sa ating samahan. At sa dulo ng lahat ng ito, hindi ko akalaing darating ang ganito, ni hindi ko inakalang mangyayari ang ganito. Parang kahapon lang kasama kitang nakangiti, kumakain tayong magkasama’t walang anu mang problemang iniintindi. Kinabukasan pag gising ko isang mensahe sa cellphone ko ang dumating kalakip ang mga salitang “Ayoko na!”. Ako’y nabigla at bahagyang natulala dahil sa mga salitang hindi ko man lamang ni inakala. Sumikip ang pag hinga ko at inakala kong mawawala na rin akong kasama mo, kasama ng ligayang lumisan na kasama mo. Ang dating sinabi kong “mamamatay ako pag nawala ka sa buhay ko” ay napatunayan kong mali pala, pagka’t narito parin ako, nararamdaman ang mga sugat na iniwan mo at nabubuhay sa paggaya sa mga yakap mo sa pagbabakasakali na babalik ka at ito’y uulitin mo. Inisip ko kung bakit bigla kang nag paalam at nawala, kung bakit sa isang iglap lang ay nakaya mo kong iwan. Ni hindi ko naisip ito nung sinabi mong ayaw mo na, Masakit mang isipin pero meron ka na ngang iba. Hindi ko akalaing tatlong taon na pala kayong magsinta, ni sa hinagap ay hindi ko ito inakala. Isang araw ako’y lumigaya dahil nag ring ang phone ko at ito ang gumising sa akin isang umaga. Nabuhayan ako ng loob dahil tinawagan mo ako, bago ko sagutin ay naisip ko munang baka hiwalay na kayo, sabi ko sa sarili ko tatanggapin pa kitang muli ng buong buo. Subalit napalitan ang lahat ng kalungkutan at bigla akong napaluha habang kinakausap kita, habang sinasabi mong “Pwede ba kitang kuning Ninong ng panganay ko?”, hindi ko alam ang isasagot ko nung mga oras na iyon subalit dahil mahal parin kita minarapat kong pumayag na lamang sa hiling mo. Matapos nating mag usap ay napag tanto ko, tila nagising ako sa malaong pagka tulog. Wala na ang dating babaeng pinakamamahal ko, naisip kong masaya ka na sa nakatuluyan mo. Sana’y maging maayos ang pagsasama ninyo at lagi lamang akong narito para sayo.
“Kaya wala kang dapat alalahanin dahil ayus lang ako. Kahit papano nakamove-on na rin ako. Wala man akong bagong pag ibig, eh Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Gusto ko lang isipin mo na sana kahit sa malayong kadahilanan man lang eh narito lang ako para sayo handa akong ibigay ang anumang maitutulong ko, patuloy kong ibigay ang pagmamahal ko kahit na alam kong wala na ako sa puso mo…” Nag mamahal, Jerry”