Gabi noon nung huli tayong magkita, naglalaro sa isip ko ang isang pangyayaring nauulinig ko na hindi ko maintindihan kung nangyari na ba ito o mangyayari palang. Inari kong walang anuman ang mga bagay na yon pero nangyari noon ang hindi inaasahan, ang mga bagay na nagbigay linaw sa bagay na aking nauulinigan...
Wala akong kamalaymalay na sa aking likuran ay may kausap ka palang iba. Hindi naman sila masasabing ipapalit mo sakin dahil sa pag kakaalam ko, mga taong hindi makalaman ang mga iyon. Sa ganito, naipit ako sa pagkakataon na hindi ko inakala na kahuhuugan ko. Maaari siguro na naglaho ang init ko sa pagtakbo ng buhay na dapat na kinaroroonan ko.
Hindi ko inakala na magkakaganito. Maaaring may nangyaring nasa ilalim ng hinagap natin kaya't ginulat nalang tayo ng tadhana na kailangan na kitang iwanan dahil sa obligasyon mong dapat gampanan. Niyaya kita nung una sa lugar na talaga namang tama kahit sa anumang paraan kung titignan, pero hindi ko inakala na dito tayo aabutan ng kawasakan...
Different people with different lives accidentally meet each
other and eventually try their luck being together. Within the bracket of their
love story, there are challenges that causes two different things, it’s either,
it will make them stronger or it will lead them to wreckage.
Miguel and
Anna met each other during their early college days. They came from two
different roads until their ways intertwined to give way to a sweet and young
love story that is about to happen and eventually change their lives forever.
Fate moved them towards a scenario that they have least expected; within it are
struggles and obstacles which can’t be noticed from the start because of the glaring
brightness of the sweet and young love.
Miguel is a
typical local kid that has lots of dreams to fulfill. Just like any other guys
of his age, he use to play computer games and read a lot about computers
(history of computers and programming languages).Aside from these, he also
plays guitar and sings as his hobby. He dreams to be an IT specialist someday
that is why he decided to take up Bachelor of Science in Information and
Technology in a reputable College on Technology matters which is STI (STI
TANAY).
On the
other side, Anna is a brat and always wants to get what she wants. Unlike
Miguel, she is not reading books nor feeding her brain most of the time. She is
a happy go lucky person. She always goes shopping instead. Frequently, she goes
out with her friends, not thinking about how much money she would spend by just
going out for senseless things that is tantamount to her artificial happiness.
After graduating from high school, she still doesn’t know what course to take
up. Randomly, she chose a course which the title is good to hear. Fortunately,
that course is the course that Miguel will also take up. She decided to enroll
in school which is near; she enrolled in STI Tanay too where Miguel is also
enrolled.
On the
first day of the 1st semester, it is a brand new day and brand new
environment for the two of them. Miguel told himself to be more focused on his
studies to successfully pass the course to be an IT specialist and
to land a
decent job but Anna expects nothing more than meeting new friends in her new
school…
Mahirap para sa akin ang bagay na ito kumpara nung unang mawala ka sa landas ko. Mahirap pero kailangang tanggapin, na kinailangan mo na rin akong lisanin sa kabila ng mahabang panahon na pinag samahan natin. Sa kabila ng lahat, hindi ko akalaing hahantong sa ganito, pero eto na nangyari na at mukhang totoo na nga. Mukhang hindi na muli pang magbabalik ka at sasabihing nagkamali ka, mukhang ako na ang may sala ng sabihin kong sige umalis ka na.Sinubukan kong unawain ka pero hindi na rin ako nakakita ng lundo na mayroong pagitan mula sa yugto na magawa mo ang mali sa mga mata ko.
Naaalala ko pa noon, nung una tayong magkita, akala ko pa nga hindi kita makakasundo at makakasama. Pero di naglaon may roon akong nakita sa mga kilos mo’t sa mga salita. Biglang nag iba ang lahat, ang pananaw ko’t damdamin patungo sa iyo, ang akala kong malabo kong makasama ay tila biglang napamahal na. Mahabang Panahon din tayong nag sama, yung tipong nahubog na sa bawat luha’t pag asa. Marami man tayong pinag daanan, may isang bagay na di natin matatalikuran. Hindi man natin nababanggit, hindi man masabi ng ating mga labi, sapat na ang kilos para sabihing “ikaw lamang para sa akin”. Ilang panahon ding madalas tayong mag away, tila ba sinusubok ng panahon ang katatagan ng ating murang pag ibig, ngunit nanatili tayong nakatayo at matatag laban sa ilang pamatid sa ating samahan. At sa dulo ng lahat ng ito, hindi ko akalaing darating ang ganito, ni hindi ko inakalang mangyayari ang ganito. Parang kahapon lang kasama kitang nakangiti, kumakain tayong magkasama’t walang anu mang problemang iniintindi. Kinabukasan pag gising ko isang mensahe sa cellphone ko ang dumating kalakip ang mga salitang “Ayoko na!”. Ako’y nabigla at bahagyang natulala dahil sa mga salitang hindi ko man lamang ni inakala. Sumikip ang pag hinga ko at inakala kong mawawala na rin akong kasama mo, kasama ng ligayang lumisan na kasama mo. Ang dating sinabi kong “mamamatay ako pag nawala ka sa buhay ko” ay napatunayan kong mali pala, pagka’t narito parin ako, nararamdaman ang mga sugat na iniwan mo at nabubuhay sa paggaya sa mga yakap mo sa pagbabakasakali na babalik ka at ito’y uulitin mo. Inisip ko kung bakit bigla kang nag paalam at nawala, kung bakit sa isang iglap lang ay nakaya mo kong iwan. Ni hindi ko naisip ito nung sinabi mong ayaw mo na, Masakit mang isipin pero meron ka na ngang iba. Hindi ko akalaing tatlong taon na pala kayong magsinta, ni sa hinagap ay hindi ko ito inakala. Isang araw ako’y lumigaya dahil nag ring ang phone ko at ito ang gumising sa akin isang umaga. Nabuhayan ako ng loob dahil tinawagan mo ako, bago ko sagutin ay naisip ko munang baka hiwalay na kayo, sabi ko sa sarili ko tatanggapin pa kitang muli ng buong buo. Subalit napalitan ang lahat ng kalungkutan at bigla akong napaluha habang kinakausap kita, habang sinasabi mong “Pwede ba kitang kuning Ninong ng panganay ko?”, hindi ko alam ang isasagot ko nung mga oras na iyon subalit dahil mahal parin kita minarapat kong pumayag na lamang sa hiling mo. Matapos nating mag usap ay napag tanto ko, tila nagising ako sa malaong pagka tulog. Wala na ang dating babaeng pinakamamahal ko, naisip kong masaya ka na sa nakatuluyan mo. Sana’y maging maayos ang pagsasama ninyo at lagi lamang akong narito para sayo.
“Kaya wala kang dapat alalahanin dahil ayus lang ako. Kahit papano nakamove-on na rin ako. Wala man akong bagong pag ibig, eh Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Gusto ko lang isipin mo na sana kahit sa malayong kadahilanan man lang eh narito lang ako para sayo handa akong ibigay ang anumang maitutulong ko, patuloy kong ibigay ang pagmamahal ko kahit na alam kong wala na ako sa puso mo…” Nag mamahal, Jerry”