Saturday, October 30, 2010

10'clock in the Evening

Gabi noon nung huli tayong magkita, naglalaro sa isip ko ang isang pangyayaring nauulinig ko na hindi ko maintindihan kung nangyari na ba ito o mangyayari palang. Inari kong walang anuman ang mga bagay na yon pero nangyari noon ang hindi inaasahan, ang mga bagay na nagbigay linaw sa bagay na aking nauulinigan...

Wala akong  kamalaymalay na sa aking likuran ay may kausap ka palang iba. Hindi naman sila masasabing ipapalit mo sakin dahil sa pag kakaalam ko, mga taong hindi makalaman ang mga iyon. Sa ganito, naipit ako sa pagkakataon na hindi ko inakala na kahuhuugan ko. Maaari siguro na naglaho ang init ko sa pagtakbo ng buhay na dapat na kinaroroonan ko.

Hindi ko inakala na magkakaganito. Maaaring may nangyaring nasa ilalim ng hinagap natin kaya't ginulat nalang tayo ng tadhana na kailangan na kitang iwanan dahil sa obligasyon mong dapat gampanan. Niyaya kita nung una sa lugar na talaga namang tama kahit sa anumang paraan kung titignan, pero hindi ko inakala na dito tayo aabutan ng kawasakan...

No comments:

Post a Comment